"Alon"
- Mariko
- Jun 23
- 1 min read
Paminsan-minsan, may araw at gabi na kinukwestyon ko yung sarili ko na hindi ba ko enough? May mali ba sakin? May kulang ba sakin? Na baka kahit anong iparamdam at ibigay ko hindi padin yun sapat.
Hindi ba ko worth it?
I feel hurt and uncertain na baka hanggang dun lang talaga ang halaga ko? May mga pagkakataon pa na pakiramdam ko burden nalang ako. Kahit gusto ko man minsan sabihin yung nasa loob ko pinipili kong wag nalang. Masakit makita na pag sa iba naibibigay yung effort na dapat deserved ko din, pero pag ako na?
Minsan tahimik nalang ako at finofocus ang isip sa ibang bagay pero kahit ano gawin ko sumasagi padin sa isip ko ang mga bagay na hindi naman dapat, at hindi dahil hindi ko nakita, hindi dahil di ko alam, at lalong hindi dahil wala akong pakialam, kundi dahil ayaw ko maging tunog madrama, tunog nagrereklamo o nagdedemand. Feeling ko din kasi hindi ako allowed makaramdam ng ganon.
Pero sa totoo lang hindi ko nadin alam kung pano ipapaliwanag o isasalin bawat salita kung anong eksaktong nararamdaman ko dahil sa bigat. Wala nalang ako magawa kundi magmukmok at umiyak. Dahil ayaw ko nadin ng maraming tanong, kaya ang natatanging nagagawa ko nalang ay nagpapanggap ako na ayos lang ako. Nagbabaka sakali na kinabukasan pag dilat mga mata ko ay okay na talaga ulit.
MD
Recent Posts
See AllNo one wants to be caught in between the 'what ifs' of people who aren't ready to commit or be in a relationship—especially those who...
"Doon mo malalaman kung totoong mahal ka ng isang tao, kung saan hindi madali, doon ka niya pinipili." Ang totoong pagmamahal hindi lang...
Lately, I know everything feels like a blur, chaotic and heavy. The days pass too quickly. The noise gets louder. And somewhere in...
Comments