šš“š²š·š° šš¾šµšŖš· š
- Mariko
- Jun 8
- 1 min read

Napakaganda mong pagmasdan sa hating gabi,
napakaliwanag at nagniningning sa lahat ng bituin.
Ikaw ang aking bulan na kahit malayo
Inaasam parin na maabot at mahagkan.
Siguro ngaāy minsan ay hindi mo nakikita ang iyong halaga, ngunit sa aking paningin ikaw ay higit pa.
Malabo man minsan ang pag unawa natin sa isaāt isa pero isa lang ang malinaw ay iibigin ka kahit ano ka pa.
Batid ko na marami kang alinlangan,
Ngunit umaasa parin na mangingibabaw
na maramdaman mo kung gaano kita kamahal.
Mahal, handa akong maghintay saāyong pagdating
na sumapit man ang takip silim,
nais kong maging liwanag saāyong buhay
kahit sa pinakamadilim mong mundo.
šš









Comments